Friday, April 29, 2016

Alam mo ba?

ni roar

Alam mo bang ang sakit?
Ang sakit ng loob kong
Malaman na di pala ako ang mahal mo.
Ang sakit ng loob kong
Maghintay kahit wala naman akong hinihintay.
Ang sakit ng loob kong
Magsinungaling sa sarili ko na puwede pa naman tayo, nagbabakasakaling oo kahit sigurado nang hindi.

Alam mo bang ang tanga ko?
Ang tanga ko kasi pagkatapos kong ibuhos ang buong pagmamahal ko sa'yo, wala din namang babalik sa akin.
Ang tanga ko kasi umasa ako kahit wala nang pag-asa.
Ang tanga ko kasi kahit alam kong mali na, nagpupumilit pa rin ako.
Eh ano'ng magagawa ko?
Mahal kita eh. Tanga ako pero nagmamahal. Ah... nagmamahal ako pero tanga!

Alam mo bang mahal kita?
Mahal kita pero hindi ko na lang ipinaparamdam sa'yo kasi 'di pwede.
Mahal kita pero ako ang nasasaktan kaya 'wag na lang.
Mahal kita pero paano ko nga bang kakalabanin ang Diyos? Eh tinawag ka Niya! Sino ba naman ako? Lugi ako! Lugi. Diyos ba naman ang karibal ko!

Alam mo bang ang tapang ko?
Ang tapang ko kasi hindi kita inaagaw kahit gustong gusto ko na!
Ang tapang ko kasi kinakalaban ko ang pinakamahirap kalaban sa lahat... ang sarili ko! Hindi ko naman kalaban ang Diyos. Karibal ko lang Siya.
Ang tapang ko kasi kahit ang sakit-sakit na, kinakaya ko; kahit nagiging tanga na, tinatanggap ko; kahit mahal na mahal na mahal kita, ipinauubaya ko... ikaw.
Kahit hinang-hina na ako, nagpapakatatag pa rin
Para sa'yo...
At para sa...
Diyos mo.

Alam mo ba
Na ang sakit-sakit na
At ang tanga-tanga ko na
sa pagpupumiglas ko sa damdamin ko para sa'yo?
Alam mo ba
Na mahal na mahal kita
Pero ang tapang-tapang ko
Dahil kinakaya ko ang hirap na dulot ng pag-ibig nating bawal.

Alam mo ba? Bawal.

No comments:

Post a Comment